Friday, November 11, 2005

My Heart's Christmas Wishlist

I'd like to believe na I have sooo much love to give in this world. Di nga, promise. I love so many people kasi eh.

Prime examples:
1. Sam
I consider Sam a.k.a. Kanoochie as my one true love. Akala ko talaga ikakasal kami. Or baka tanga lang ako. Hello, Din?! 9 out of 10 people na nga ang nagsasabi na long distance relationship don't work diba? Eh si Din, feeling kinaya pero not si Kanooch. So major bigo si Din, pero never nawala sa isip niya si Kanooch, until this day. Not naman to the point na hanggang ngayon umiiyak noh. Exagg iyon. More of "kamusta na kaya siya?". Yan, always ganyan. Or when driving home from a hard day's work, ipapatugtog niya ang theme song niya kay Sam na "A Thousand Miles" by Vanessa Carlton. Yan, pampa-relax lang ba na may halong reminiscing ng past. Cheese ba? Eh so what noh.

2. Abu
Si Abu ang root cause kung bakit I love men in uniform. Ibang dating nila eh. Mga bad boy image ba. Tipong babarugin ka muna bago ka haplos haplusin. Well, actually bilib na bilib lang ako kay Uba kasi since CSA and CRC days pa namin, sinasabi na niya na dream talaga niya maging sundalo. And then, just when he was a few months shy from graduating sa CRC, tumungo na siyang Baguio para mag PMA. Galing no? And now, he's with the Philippine Airforce na. Tom Cruise ng buhay ko. I think kayang i-jackie and Abu-Din relationship eh. Kaso hirap na naman. Long distance things kasi he can be based anywhere. Lipa. Cebu. Fuck. Never. But what's nice about Uba is when he's in town, he'd text and make yaya na we go out for a drink. Last time nag coffee kami sa SLEX. Kilig lang ako noh. But then after 3 days, fly out na siya to Cebu. Sigh. So, in my thoughts na rin lang si Uba.

3. Pasky
Pasky is my most tragic relationship. Siguro naman lahat tayo nasaksihan sa telebisyon at dyaryo and failed Oakwood Mutiny nung July 27, 2003 noh? Yan, yan si Yksap at ang kanilang tropa. Yung frustrations ko kasi kay Abu, naibuhos ko kay Pasky. Pasky is the quite type pero pare, ang tikas kakaiba. Very Pinoy and dating. Laki ng katawan, moreno (actually, very maitim) at may ka-guapuhan. Sarap. Basta, he's the definition of MACHO. Eh it so happens, tougher in skills pa pala itong si Yksap kaysa kay Uba. Si Yksap kasi ay isang SWAG or tinatawag na Special Warfare Group. Sila ang naririnig nating Navy Seals. So, kakaiba ang soldier talents. Sarap. Eh kaso nga, jailer. So after 2 years of bringing weekly groceries and ulam sa jailhouse rock, gumive up na si Din. Pero we're still friends. As in the love is still there, kaso paalam na si Din kung puwede na mag move on. Hirap kasi umasa sa sa walang katiyakan diba?

4. Elie
One word lang masasabi ko when it comes to Elie. Companionship. Actually, pumasok si Elie sa panahon na lungkot na lungkot na ko sa situation namin ni Yksap. Eh nung minsan sa isang function ko, habang nagse-setup eh may narining akong nagsasalitang Ilocano na maitim at macho. Ay, hindi kaya siya kapatid ni Pasky? Yun. Pasok Elie na. Si Elie.. si Elie who was there to fetch me from work. Si Elie who keeps me company kumain sa G4 foodcourt at magpalipas oras dahil ayokong umuwi ng maaga sa Alabang at aabutan ko lang na kumakain si Encar at Mark na hindi ko kabatian. Si Elie who makes me yaya to hear mass on Sundays. Si Elie who's my kasama to watch any cheezy movie sa sinehan. Si Elie. Siya ang pumuno ng oras, panahon at physical presence na hindi magampanan ni Yksap. And now, si Elie na katabi ko sa pagtulog, kayakap. Si Elie na handyman namin ni yaya sa bahay. Si Elie na kasa-kasama ko every morning papasok to work, mag grocery, mag derma, etc, etc. Si Elie. My source of comfort and security. Di ko yata kaya without him.

Hhaaayyy.. ang sarap magmahal, despite the craziness of all of it. Posible nga ba yun na ang dami mong mahal at the same time? I'd say YES. Carry. As in yes - yes yes yo. Kasi ito ang nafi-feel ko everyday eh.

Although at times na sa sobrang love na nafi-feel ko for all of them, madalas kinukulang ako sa disc space. Sana may nabibiling memory card for my big, tender, juicy heart. Para pag memory full na, pasak lang ng panibago diba? At with bigger MB. Kayanin na din kaya if we're talking about GB?

Or better yet, sana may heart reserve tayo na built in na sa katawan natin. Para pag yung heart laspag na sa kaka feel ng love or super sakit na due to heartaches and frustrations, mapapalitan kaagad ng brand new. Parang pag flat tire ba. Diba ang kotse laging may reserbang gulong? Ganun lang. Simple diba?

4 Comments:

At 8:54 PM, Blogger monster said...

Si Aida, Si Lorna at Si Fe ang dating. hahahaha. i like your issues on the lack of memory capacity. pero alam mo kasi, may mga computer na ang kaya lang nila, isang memory allocation lang, hindi TATLO!

HEHEHE.

 
At 4:11 PM, Blogger graspingtoes said...

guys. ito po ang tinatawag nating EBIDENSYA.

 
At 4:18 PM, Blogger Leoy said...

Yes. konting Fwd lang nito to the right people, and you're dead.

 
At 2:59 PM, Blogger adi said...

Yeah... but don't you just love the statement "eh kaso nga, jailer." love it.

 

Post a Comment

<< Home